Pagsusuri ng Tula
UNANG TULA
Pamagat: Mapanglaw ang mga Ilaw sa CALABARZON
May Akda: Pedro L. Ricarte
Teoryang Pampanitikan: Ang teoryang pampanitikan ng tulang ito ay Realismo sapagkat
nagpapahayag ang tulang ito ng katotohanan sa buhay na kung saan ipinapakita rito ang
tunay na kalagayan ng mga magsasaka at ang mga lupain ay ipinagbibili kapalit ang malaking
halaga.
Patunay: Unang Saknong
May bakas pa sa tubig ng mga pinitak
Ang mga huling silahis ng nakalubog nang araw.
Hindi na sana siya nag- araro pa,
Hindi rin lamang tiyak na matatamnan
Ang lupang itong ipinagbibili na ng may- ari
Sa isang malaking korporasyon ng mga dayuhan.
Ang balita ko'y bilyon ang ibabayad,
At may makakaparti raw siyang sandaang libo.
Ritmo: Ang tulang ito ay nagpapahayag ng pagkalungkot ng isang magsasaka nang ipagbili ng may-
ari ang lupaing kanyang sinasaka. Nalulungkot siya dahil napamahal na sa kanya ito at
maraming mga magsasaka ang umaasa sa bukid na kanilang sinasaka.
Anyo ng Tula: Ang kayarian ng Tula ay malayang taludturan dahil walang sinusunod na sukat ang
tula at wala ring tugma ang bawat taludtod nito.
IKALAWANG TULA
Pamagat: Ang Babae sa Pagdaralita
May Akda: Joi Barrios
Teoryang Pampanitikan: Ang teoryang pampanitikan ng tulang ito ay Feminismo sapagkat
tumutukoy ito sa karapatan ng mga kababihan na mabigyang pansin sa lipunan at layunin rin
nito na maipakita ang tapang at kakayahan ng mga babae.
Patunay:
Nasa ating mga babae ang ang pakikibaka!
Kung paanong sa gabi at sa araw
ay wala tayong humpay sa paggawa,
Kung paanong magkasabay na lumalaban
at nag- aaruga,
Matibay ang dibdib pagkat mapagkalinga
ang ating pag- ibig.
Rimo: Ang tulang ito ay naglalayon na ipakita ang matapang na pagpapahayag ng damdamin ng mga
kababaihan.
Imahen: Nakatitig ang walang talukap
na mga mata ng sawa,
sawa- na ang ibig sabihin ay traydor
Anyo ng Tula: Ang kayarian ng Tula ay malayang taludturan dahil walang sinusunod na sukat ang
tula at wala ring tugma ang bawat taludtod nito.
IKATLONG TULA
Pamagat: Sandaang Hakbang Papuntang Malakanyang
May Akda: Frank Cimatu
Teoryang Pampanitikan: Ang tulang ito ay nasa teoryang Realismo sapagkat totoong nangyayari ito
sa tunay na buhay. Ang mga mamamayan ay nakikibaka laban sa taliwas na pamamahala ng
pamahalaan.
Patunay:
Sandaang
Hakbang
Papuntang
Malakanyang,
Dala'ng
Nakabulang
Kartolinang
Nakapinta'ng
"Pamahalaang
Suwapang,
Kinawawa'ng
Bayang
Walang
Kamuwang-
Muwang"
Ritmo: Ang tulang ito ay nagpapahayag ng matapang napikikibaka ng mga mamamayan laban sa
pamahalaan.
Anyo ng Tula: Ang kayarian ng Tula ay malayang taludturan dahil walang sinusunod na sukat ang
tula at wala ring tugma ang bawat taludtod nito.
Comments
Post a Comment